LOVE-NAT: SOON TO BE PUBLISHED by LIB!!!

Discussion in 'Stories, Articles, Poems' started by elliedelights, Jul 27, 2010.

  • by elliedelights, Jul 27, 2010 at 11:07 PM
  • elliedelights a poet at ♥

    Message Count:
    603
    Likes Received:
    239
    Trophy Points:
    73
    [IMG]

    [IMG]

    Teaser

    He pressed me against the wall. He was dripping wet and I could see the beads of water running from his face down to his chest. He looked like a god who suddenly decided to set foot on earth. Sweet Jesus! Ano pa bang hahangarin ko?? This irritating guy who looked like some Greek god was only clad with a piece of towel... and his face was moving closer against mine.

    Hinga Eleonor!! Hinga!!

    "I can't believe this." He scoffed. "You are falling in love with me!" he said with an evil smirk plastered all over his god-like face.

    Alam kong nangaasar lang siya, but my face wouldn't stop from blushing nor my heart couldn't stop from beating wild.

    THERE IS NO WAY IN HELL...

    NO WAY AT ALL...

    THAT AN ELEONOR MALICSI DIMACULANGAN COULD FALL IN LOVE WITH THIS LOATHSOME GUY!!!

    Mapanot man ng tuluyan si P-noy!!! Tumangkad man lahat ng unano sa mundo!! Kahit manganak pa ng baboy ang manok!!!





    WHAT HE SAID,


    COULD NEVER EVER HAPPEN!!

    © ELLIEDELIGHTS. 2010.



    This fiction is under the Intellectual Property Code of the Philippines,
    so do not in any form or manner reproduce without the consent of the author.


    8 people like this.
  • Categories: Uncategorized

Comments

Discussion in 'Stories, Articles, Poems' started by elliedelights, Jul 27, 2010.

  1. elliedelights
    [hr]CHAPTER NAVIGATION
    [hr]


    [font=]Season 1

    00. 01. 02. 03. 04. 05-1.
    05-2. 06. 07. 08. 09. 10-1.
    10-2. 11. 12-1. 12-2. 12-3. 12-4.
    13. 14. 15. 16. 17-1. 17-2.
    18. 19. 20. 21. 22. 23.
    24. 25-1. 25-2. 25-3. ●25-4. ●25-5.
    ●26-1. ●26-2.


    [font=]Season 2
    ●27. ●28. ●29-1. ●29-2.
    ●30-1. ●30-2. ●30-3.●31-1. ●31-2. ●32.
    ●33-1. ●33-2. ●33-3. ●33-4. ●34-1. ●34-2.
    ●34-3. ●35-1. ●35-2. ●35-3. ●36-1. ●36-2.
    ●36-3. ●37-1. ●37-2. ●37-3. ●37-4. ●37-5.
    ●38-1. ●38-2. ●38-3. ●38-4. ●38-5. ●39-1.
    ●39-2. ●39-3. ●40-1. ●40-2. ●40-3. ●40-4.
    ●40-5. ●40-6. ●40-7. ●40-8.


    [font=]Season 3
    ●41-1. ●41-2. ●41-3.





    [hr]LOVE-NAT LINKS
    [hr]


    LOVE-NAT OFFICIAL FB PAGE
    Go on, visit the site. :man_in_love:

    LOVE-NAT CHARACTERS
    Here is where you can see the pictures and
    other info about the CASTS.



    LOVE-NAT COMPILATION (new site)
    This is my latest site. FIRST PO ITO SA UPDATES. ;)




    [hr]LOVE-NAT EXPRESS
    [hr]This is LOVE-NAT's exclusive interview with the casts.
    Enjoy guys! :man_in_love:

    Miguel Josef Uy Monteverde
    Juan Antonio Malicsi
    6 people like this.
  2. xx-AlphaMale-xx
    wahaha..ok ito ah..waiting mode ako dito..hehe..
  3. marjorie
    wink..,<3 nice.
    next na po
  4. elliedelights
    la la la la ... =)

    minove ko din po yung Chapter 1 sa 2nd page... baka kasi mahirapan kayong magbasa, lumaki yung format dahil sa 1st post ko. hehe. Sorry for the inconvenience.

    Here's the link for the first Chap:

    <a href="http://www.pinoyfactor.com/forums/index.php?s=&showtopic=30262&view=findpost&p=356519" target="_blank"> 01. Boys' CR.</a>
  5. x.guitarchick
    XD
    'stig!
    natawa talaga ako dun/..
  6. elliedelights
    Prologue. Potchi is the Word.

    Hindi biro ang buhay college. Hindi biro ang umupo ng walong oras sa loob ng classroom at magmuni-muni at magkunwaring nakikinig sa mga propesor. Hindi biro ang tuition fee na binabayaran ng mga magulang ko pang-kolehiyo ko. At higit sa lahat, hindi biro ang kumopya sa accounting quiz na siyang sinasagutan ko ngayon! Bawat numero, bawat puntos, MAHALAGA!

    Kaya nga dito sa kursong nakuha ko - B.S. Accounting - tatlong bagay lang naman ang kinakailangan mo para mabuhay:

    1.) calculator
    2.) mga butihing KABARKADA na handang ibigay sayo ang sagot kahit sa ANO pang paraan!! Be creative!!
    3.) and last but not the least, a pair of trained EYES para makita ang mga sagot kahit gaano pa ito kalayo!!!

    Kung wala ka ni-isa sa mga ito. Ha. Good-bye!! Ika nga nila, "No man is an island!" At sinasabi ko na, take it from someone na nabuhay at nakaabot na ng 4th year dahil sa tatlong bagay na toh. Hinding-hindi ka tatagal sa kolehiyong ito kapag nagiisa ka lang!! Pero minsan talaga hindi maiiwasang magkalimutan... kaya't kinakailangan ko pang sipain ang upuan ng bestfriend kong si Borge na nasa harapan ko.

    Si Borge nga pala ay isang babaeng nabuhay sa future. Isa siyang loka-lokang babae. Haha. Gets niyo naman na siguro yun! Chaka ko na i-explain ng maayos, busy pa ko sa pangongopya nuh!!!

    So ayun na nga...nakuha na ni Borge ang malupet kong signal at bigla na siyang pumindot ng calculator niya. Tumingin muna ko kay prof. Area's clear! Sumimpleng tingin na ko sa calculator ni Borge. Una niyang tinaype e 1. Ibig sabihin question number 1. Tapos sumunod ee 950,000 na siyang sagot sa nasabing numero at dire-diretso na ang ritual naming dalwa. Itatype muna niya yung question number tapos yung mismong sagot!

    Oh diba? Creative? Anong say niyo? Naisip ba yang gawin ni Einstein nun? Kahit nga si Newton o kahit sino pang genius yan... walang magagawa sa iba't ibang style namin ni Borge sa pangongopya!! haha. On with the story... baka naman isipin niyo B.I. na kami niyan.

    Naku aa, hindi naman namin gawain ito. Medyo medyo lang. Basta kami ni Borge ang pagtatabihin niyo, asahan niyo na... asahan niyong wala kaming gagawing matino. haha. Saming limang magbabarkada kami talaga kasi ni Borge ang pinaka TANDEM, for short pinaka gagu at pasaway. Sa totoo lang, inseparable kami nitong si Borge.

    Hindi niyo na itatanong. Meron akong reputasyong iniingatan dito sa Matute University... lagi kasi akong napagkakamalang tomboy tapos ganto pa ko umasta, lalo na at ganto pa itsura ko - short hair (boy cut) at ni walang kaarte-arte sa katawan. Ultimo bag ko, pang lalaki - bag pack.

    Pagkatapos kong masagutan ang last na number, pinasa ko ng agad ang papel ko. Wala ng re-check re-check. Ee para san pa yun? Wala nga akong masagutan.

    Prof: Oh, Ms. Dimaculangan mukang aral na aral ka ngayon aa?

    Syempre ngumiti na lang ako. Hindi niya alam na ang lubos kong pinagaaralan kagabi ay kung ano cheating arrangement namin nitong sila Borge at kung anong pinaka madaling paraan para makakopya!! haha.

    At sa wakas... natapos na din ang linchak na quiz!! Ang hirap talagang mangopya!!! Bukod sa nakakapagod ee talaga namang nakakagutom... kaya naman pagkatapos na pagkatapos ee dumiretso na kaming lima sa McDo.

    Borge: Hoy Ellie! Ano nakuha mo bang lahat kanina?

    Siya nga pala ang pangalan ko ay Eleonor Malicsi Dimaculangan, Ellie na lang for short. I'm 19 years old taking up BS Accountancy sa Matute University of the Philippines.

    Ako: Malamang. Gagu ka talaga ee. Kung di pa kita sisipain ee di mo pa ibibigay saken sagot ee malapit ng mag-time.

    Borge: Lul. Masyado kang excited ee hindi ko pa tapos kunin sagot dito ke Sara.

    Ako: Sigurado ba mga sagot naten?

    Sara: Oo. Sigurado yun. Siguradong babagsak tayong lahat!!!

    Ako: haha. Anakshota!!!

    Jill: Magbagong buhay na nga kasi kayo!!

    Meg: Asa ka jan ke Ellie at Borge!!

    Borge: Oh, tae ako nanaman dadamay niyo! 'to ngang si Ellie malakas mangopya ee. Ewan ko ba jan, wala na ngang pinoproblema sa buhay hindi na lang mag-aral.

    Ito ang usual scenario namin tuwing lunch pagtapos ng accounting period. Asaran. Kwentuhan. Tipikal na lunch break ng mga magbabarkada. Wag kayong magalala makikilala niyo rin ng lubusan ang mga loka-lokang 'toh sa mga susunod pang kabanata dahil ngayon umaatake nanaman ang sakit ko.

    Ako: Sheet!!

    Jill: Bakit?

    Borge: Ano yun?

    Ako: Tae!!!

    Borge: Huh? Asan?

    Sara: Kumakain kami diba?

    Ako: Gagu. Na-popotchi ako!! Peram wet wipes!!! Dali!!!

    Borge: hahaha. Anakshota ka talaga Ellie!! Alam mo minsan... ikapapahamak mo yang pag-potchi mong yan!!! Pigilan mo na yan!! Time na oh, may class pa tayo!!

    Hindi ko naman aakalain na magkakatotoo ang sinabing 'to ni Borge. Sino ba naman magaakalang ikapapahamak ko ang pag-potchi kong ito??? Hindi man lang pumasok sa isip ko na kahit papano - kahit minsan - may sense din pala ang sinasabi niya. Minsan nga... iniisip ko... na sana pala... kung nakinig lang ako sa kanya nun... kung sana... pinigil ko na ang tiyan ko... siguro... siguro nga... hindi mangyayari ang dapat na mangyari... hindi mauuwi sa ganito ang lahat... ee di sana tahimik pa din sana ang takbo ng buhay ko... ee di sana... hindi ko na nakilala ang lalaking yun!!!!


    To be continued...


    Ano kayang kamalasang naghihintay kay Eleonor Malicsi Dimaculangan??

    NOTE:
    1. Matute University of the Philippines ~ does not exist!! Imbento ko lang po ito.
    2. Potchi ~ it means, pupu. Pina-sosyal na nata-tae.
    2 people like this.
  7. x.guitarchick
    ate,
    palagay naman ng pix..
    para makapag imagine ng character..
    cant wait for the next chaptie
  8. elliedelights
    waaah... bakit mo ko inunahan??? daya!! hahaha... plan ko palang yun ee... =) yeah, naghahanap na ko ng mga pics... actually si Ellie, Borge at yung Prince Charming ni Ellie na lang ang wala... hehehe... =)
  9. elliedelights
    LOVE-NAT
    by: elliedelights

    Chapter One. Boys' CR

    Minsan talaga... may mga simpleng pangyayari sa buhay natin na kahit kelan hindi natin ineexpect na makakapag pabago ng takbo ng buhay natin. Simpleng pangyayari lang. A simple encounter that could make your whole world turn upside down. Who would have thought that something so typical, so ordinary could change your life forever? Haii... bakit kasi walang manual ang buhay ng tao? Ee di sana naman nalaman ko na beforehand para naka pag-prepare ako sa mga susunod na mangayayari - lalo na ngayon!!

    Naku, tama na nga sa mga mala- Edgar Allan Poe ko na introduction... haha. Going back to where we've left off... Since time na nga at may next class pa kami sa Law pinauna ko na sila Borge, Sara, Meg at Jill sa room. Naku, strict ang propesor namin dun kaya walang magtangkang magpa-late. Malamang abogada kasi. Pero wala naman akong magagawa diba? Hindi naman pwedeng pigilan ko na lang ang tawag ng kalikasan.

    Ganto talaga ang tiyan ko, masyadong maselan. Walang araw na ginawa ang Diyos na hindi ako nag-cCR. Dalwang bagay lang naman ang kinakailangan ko para mabuhay sa mundong ibabaw: wet wipes o kea tissue at syempre matinding pabango. Kaya naman si Sara ang masugid kong sponsor dahil sakanya lahat ang gagamitin ko.

    Ngunit, subalit, datapwat!!! Pagdating ko sa girls' CR, ang mga katagang "CLEANING TIME" ang siyang bumungad sa aken. Naka-lock ang pinto at napatingin ako sa aking relos. Oo nga pala saktong 1:20 naglilinis si ate janitor dito. Sh**t!!! Aruy ku pu!!! Lalabas na 'toh... malamig na pawis na ang tumatagaktak saken at nagsisitaasan na ang dulo ng mga buhok ko sa braso.

    Diyos ko po Lord, pinapangako ko hinding-hindi na ko mangongopya... wag niyo lang ako parusahan ng ganito!!!! Hindi ko na talaga kakayanin toh!!!! Magpapakabait na ko... magiging mabuti na kong istudyante, anak, ate at mamamayang Pilipino...

    Buti na lang at narinig ni Lord ang mga panalangin ko, paglingon ko sa kaliwa nakita kong bukas ang CR ng BOYS!!

    I love you Lord!! Pramis, minsan minsan na lang talaga ko kukopya at susubukan ko sa abot ng aking makakayang magpakabait!!! hehe... sabay bawi ano? v2.pinoyfactor.com/styles/default/xenforo/smileys/diablo.gif

    Hindi man sa pagmamayabang ano, pero kasi lahat na ata ng CR dito sa buong Matute University of the Philippines ee nabinyagan ko na!! Name it, at siguradong na-potchian ko na yun pero ngayon lang... as in NGAYON lang... sa tanan ng buhay ko... ngayon ko lang 'toh gagawin... ang pumotchi sa boys' CR.

    Tinignan ko muna ang hallway... walang tao... chaka ako sumilip sa loob ng boys' cr... wala ding kalalakihan. YAHOO!!! Kaya naman, dali-dali akong pumasok at ni-lock ko mismo ang entrance door!! Diyos ko Lord, alam kong trespassing toh pero sana naman maunawaan niyo... para sa tiyan at sa ikabubuti ng sambayanan... pagbigyan niyo na ko!!!

    Pinatong ko lahat ng gamit ko sa may sink, kinuha ang wet wipes at pabango at pumasok sa cubicle.

    Haiii... nakaraos din!!!! Salamat!!!

    Mga ilang minuto na ang nakakalipas... at nagco-concentrate pa din ako... haii... pag biniyayaan ka nga naman ng gantong tiyan oh... maya-maya bigla ko naisip na sobrang tahimik ng kapaligiran... at naalala ko ang horror story na kumakalat sa unibersidad... meron daw nag-suicide na istudyante dito mismo sa CR ng boys at ayon pa nga daw sa sabi-sabi kapag kumanta ka dito sa CR ee merong magtutuloy ng kanta mo... bigla-bigla akong kinabahan... pano kung biglang may pugot na ulong lumabas sa ilalim ng cubicle? O kaya pano kung may kamay na humaltak sa paa ko? Biglang nawala ang hilab ng tiyan ko at napalitan ito ng mabilis na tibok ng puso ko... tama bang takutin ang sarili???

    Ako: Easy ka lang Ellie... easy ka lang...

    Bakit nga ba ko natatakot? Hindi naman totoo yun!! Kwento-kwento lang yun!!! Kaya naman naisip kong gawin ang imposible... sige, kakanta ako... tignan naten kung ano mangyayari!!!!

    Ako: v2.pinoyfactor.com/styles/default/xenforo/smileys/Whistle.gif 'Cause I Don't Care eh eh eh eh eh.. I Don't Care eh eh eh eh eh Boy I Don't Care...

    Hinihintay kong may mag tuloy ng kanta ko. Pero ang sumunod ay total silence. Malamang, napaka ambisyosong multo naman nun kung pati ang K-pop na kanta ng 2ne1 ee alam niya diba?

    Perrroooo... kung bakit ako namutla at halos tumalon na palabas ang puso ko sa takot ay sa kadahilanan na biglang may nagtuloy na kanta ko...

    Boses: Dareun yeojadeurui darireul humchyeoboneun// Niga neomuneomu hansimhae// Maeil ppaenonneun keopeulling// Na mollae han sogaeting// Deoisang motchameulgeotgata// Oh oh oh

    SBAM!!!

    Despite the fact na takot na takot na ako nakuha ko pa din maglinis kahit na gusto ko ng tumakbo palabas! Pero pang-Guinness Book of Record talaga ang ginawa ko sa bilis kong nagpack up at lumabas ng cubicle... hindi ko na din nakuhang magamit ang pabangong pinahiram saken ni Sara... wala na kong pakialam... hindi ko pinangarap na maging biktima ni Sadako nuh!!!

    Pero pagbukas ko ng pinto ng cubicle nanlaki lalo ang mga mata ko dahil hindi ko ineexpect na ang bubungad saken ay isang GWAPONG MULTO... ayun siya... oo ayun... nakaharap sa salamin at nakangiti na para bang naaaliw... pero kahit gaano pa siya kagwapo o kahit kamukha pa siya ni Brad Pit o Leonardo De Caprio o kahit siya pa si John Lloyd Cruz o Derek Ramsey... nakuuu hindi napigil ng ka-gwapuhan niya ang tindig ng balahibo ko sa TAKOT!!! Dali-dali ko ng hinablot ang bag ko at tumakbo palabas ng CR.


    To be continued...

    Magkita-kita ulit tayo sa susunod na kabanata... hahaha... patikim pa lang yan para sa intro ng prince charming ni Ellie... sana na-ENJOY kayo sa chap na 'toh... please read and review... mas gaganahan akong mag-update pag may comments... haha... kaya nga mejo napahaba toh ee... thank you nga pala sa mga nag-comment... this chapter is dedicated to you guys... muahs =) See you all next time. Ciao!!!
    3 people like this.
  10. elliedelights
    salamats... konting hintay pa guys sa update... hehe... mejo busy pa talaga... >.<
  11. elliedelights
    NOTE: Since napaka tagal ko bago nakapag-update... here's a long chapter para sa inyong lahat... =) Sana ma-enjoy kayo!! haha.

    LOVE-NAT
    by: elliedelights

    Chapter Two. First Kiss.

    Ang napaka sungit at strict kong propesor sa Law e hindi na din nakuhang magtaray saken pag pasok ko ng classroom. Ikaw ba naman mamutla ka ng bonggang-bongga na parang nawalan ka na ng ‘sang galong dugo ee siguradong kahit sinong anak ng Diyos ee maaawa sayo. Tapos sabog na sabog pa itsura ko, tipong hahabulin na ko ng suklay at plantsa dahil sa gulo ng buhok ko at gusut-gusot kong uniform. At kahit sino naman ee hindi na kailangan mag-alinlangan pa sa itsura kong ‘toh. Isang tingin lang sakin alam na ng lahat na nakakita ako ng MULTO.

    Borge: Tol, anong nangyari sayo?

    Ako: (tulala pa din) …

    Sara: Grabe, para siyang pinagnasaan at tinapon na lang sa isang tabi!

    Meg: Asa ka naman!!! Yan?? Sinong magtatangka diyan nuh? Kadiri.

    Borge: Hoy, tol!! Ano ka ba? Para kang nakakita ng tikbalang aa?

    Ako: Oo tol... Isang gwapong tikbalang!!!

    Nagkatinginan na lang sila Borge, Jill at Sara sabay tawa ng malakas na malakas.

    Borge: Sa tanda mong yan, kung anu-ano pa yang mga nakikita mo!! Di na uso multo ngayon Ellie!!

    Ako: Di ako nagbibiro… may multo talaga sa Boys’ CR!!! Totoo pala yung kwento-kwento na pag kumanta ka itutuloy nung multo yung kanta mo…

    Borge: Tol, biruin mong may mas nakakatakot pa palang multo kesa sayo?

    Sara: Flash News! Isang dalaging-ding, nakakita ng multo sa Boys’ CR ng Matute University of the Philippines!! Sosyal ka!! Mabenta yun sa diyaryo Ellie!!!

    Ako: Naisip ko, pano kung sundan ako ng ligaw na kaluluwa na yun? Pano kung sirain niya ang buhay ko at habang buhay niya kong gambalain? Pano na ko? Marami pa kong pangarap sa buhay…

    Sa mga sinabi kong ’toh binatukan tuloy ako ni Borge.

    Borge: Pakyu!!! Masyado kang ambisyosa… ahh. Kung sa bagay, tama ka!! Hahabulin ka nga nun sa pagaakalang isa kang dalagang tikbalang!!

    Sara: Oh e di kayo na!!! Kayo na ang hari’t reyna ng mga tikbalang… pakasal na kayo!!!

    Ako: Gagu!!! haha..

    Tama. Bakit ba ko natatakot sa multong yun? Ee wala naman akong ginawang masama? Pumotchi lang naman ako sa teritoryo niya… hindi naman siya masasaktan sa amoy nun!!!

    Maya’t maya biglang may umakbay sa akin. Si John Paul (a.k.a. Japo). Mabait tong si Japo, siya pinaka ka-close ko sa mga kalalakihan. Intsik beho to na kilalang kilala sa buong campus hindi dahil sa gwapo siya o ano pa man… pero masaya kasing kaibigan tong si Japo kaya mahal na mahal ng lahat. Ako nga pala ang nagbigay ng pangalan niyang Japo ewan ko ba at biglang lahat ee nakigaya na. =)

    Japo: Oi Ellie… itsura mo!!! Nakipag-habulan ka nanaman ba ke Manong Guard?

    Ako: Sira!!!

    Borge: Wag mo ng tanungin Japs, maloloka ka lang!

    Japo: Oh sa Biyernes nga pala aa?

    Meg: Bakit? Ano meron sa Biyernes?

    Japo: Merong party sa Eastwood. 8pm. Lahat ng students ng MUP imbitado.

    Borge: Yown!!! Deym!!! Party!!!

    Sara: Tamang-tama may bago akong dress… masusuot ko na din!!!

    Japo: Uh… (namumula) Ikaw Jill? Wag ka sana mawawala aa?

    Ako: (sabay batok ke Japo) Gagu!!! Wag ka nga Japo… wag kang pa-cute di bagay sayo!!

    Jill: Uh… di ko pa sure ee…

    Japo: (hinigpitan ang akbay saken) Ellie talaga… wag ka magulo… (biglang tinatakpan ang mukha ko ng kamay niya) Uh, Jill… kung gusto mo sunduin na lang kita sainyo… chaka…

    Ako: Taeeee… JAPO!!!!!!!!!!!! (tinatanggal kamay niya) Jill oh!!! Jill!!!

    Jill: Magpapaalam pa kasi ako ee… hehe…

    Japo: Ahhh ganun ba?…

    Ako: Bat ako hindi mo tinatanong?

    Borge: Ee obvious naman na si Jill lang ang gusto niyang pumunta nuh!!!

    Japo: Oi hindi aa… lahat kayo imbitado… Oh ano Ellie?…

    Ako: Hindi din ako sure… tsk… gastos lang yan… wala akong pera…

    Hindi ako kagaya ng mga kaibigan kong ‘toh. Hindi naman ako anak ng donya at don pero hindi din naman ako kasing hirap ng daga. Sa katunayan naman ee kumakain naman kami tatlong beses sa isang araw. Kung baga, hindi kami mayaman at hindi din naman kami mahirap. Pero kasi, hindi kasama sa budget ko ang pag-gmik.

    Borge: Umiral nanaman yang ka-kuriputan mo!!! Kaya ka minumulto niyan ee…

    Ako: Gagu!!! Tinatamad kasi ako ee.

    Japo: (nakaakbay pa din) Ano ka ba Ellie? Wag ka ngang KJ… at wag kayong magalala LIBRE lahat yun…

    Borge: Huwaw!!! Sheet… oh tara na!!!

    Ako: Eeeehhh… tinatamad talaga ako ee…

    Sara: Ano ba kasing event yun Japo? Bakit buong school imbitado?

    Japo: Wala lang… party lang… bakit kailangan ba lagi ng dahilan para pumarty? Meron tayong sponsor… sagot na niyang lahat.

    Meg: Sinong niya?

    Japo: Basta… kaya nga pumunta kayo ee…

    Borge: Ellie ano? Tol naman ee… lam mo namang di ako pupunta ng di ka kasama…

    Ako: Pakyu!! haha.

    Borge: Sige na…

    Ako:Libre?

    Japo: Oo.

    Ako: May pagkain ba dun?

    Japo: Oo. Sagot na ng sponsor natin yun.

    Borge: May beer?

    Japo: Oo. Swimming pool ang beer dun.

    Ako: Oh, Jill tara punta na tayo!!!!

    Jill: Huh? Eeee….

    Ako: Wag ka magalala meron silang isang drum ng iced tea dun!!!!!

    Borge: Eeee… may gwapo naman kaya???

    Japo: Ehem. Andun ako ee.

    Ako: (tinanggal kamay ni Japo) Tara na. Nagkakalokohan na dito ee…

    Borge: (tumayo na din habang nagkakamot ng ulo) Tara girls, gutom na ko ee…

    At iniwan na lang namin ang kawawang si Japo…. hahaha…
    -------------------------------------------------------------------------------------------------------------

    Makalipas ang tatlong araw matapos akong multuhin sa Boys’ CR… pumatak na din ang araw ng Biyernes… ang araw na magpapabago ng takbo ng buhay ko… ang araw na kahit kailan ay hinding-hindi ko na makakalimutan…

    Kapag ganitong mga gmikan wala ka ng iba pang maaasahan kundi si Sara Felisidad. Sa taglay niyang galing sa fashion at make-up ee talaga namang talong-talo niya si Ricky Reyes at Vicky Belo combined!!! Naku, swear!!! Wala ng iba pang tatalo kay Sara sa larangang ito!! Oo mga kapatid nandito kami sa mala-mansyong bahay ni Sara nagkita-kita kanina pang alas-tres ng hapon. At biruin niyo tirik na tirik ang araw ng dumating ako dito ngayon nabalot na ng kadiliman ang kalangitan at hindi pa din tapos si Sara, Meg, Jill at Borge sa pag-aayos!!! Oo, tama, pati si Borge!!!

    Hayun sila nakapila ke Sara. Tapos na niyang make-upan sila Meg at Jill at damit naman ang pinoproblema ng mga loka-loka. Ako? Sus. Wala akong hilig sa mga ganyang klase ng bagay. Ni buhok ko nga ee hindi ko masuklay, magpamake-up pa kaya???

    Kaya pinanunuod ko na lang sila habang nakahiga sa water-bed ni Sara. Kumpara sa aming lima, ako lang ang namumukud tanging naka shorts at sleeveless at naka rubber shoes. Silang lahat ahy talaga namang naka dress at high-heels. Oo pati si Borge!!! Gaga talaga ‘to kahit kelan ee… haii… at ngayon 6:00 pm na at mukang wala pa din silang balak matapos at inaantok na ko!!!

    Borge: Ellie, ano ka ba? Maraming damit jan si Sara oh, magpalit ka nga!!!

    Ako: Naku, tama na yung pinagbigyan ko kayong sasama ako!!! Ito ngang si Jill oh, kanwari pang di sasama…
    Sara: Syempre, andun si papa Japs mamaya!!! haha.

    Jill: Oi, hindi aaa… wag nga kayo….

    Meg: Ellie, kahit magpalagay ka lang ng konting powder ke Sara oh!!!

    Ako: Aaaa-yo-ko!!!

    Sara: Hay naku, magmumuka ka lang PA ko dun pag ganyan ang itsura mo!!!

    Ako: Ahh basta, ayoko!!! Bilisan niyo na lang at gutom na ko!!!!

    Nagkatotoo nga ang sinabi ni Sara. Para kong basahang naglalakad sa Eastwood. Andaming mga taga-MUP na kamuntik ko ng hindi makilala dahil ngayong gabi ee nagmuka silang mga tao dahil kagaya nila Sara, naka make-up din ang mga kababaihan at ubud ng iiksi ng mga damit nila. Ultimo ang mga lalaki ay naka porma. Samantalang ako… ito…. muka ngang personal assistant ng mga bruha kong mga kaibigan.

    Borge: Sabi ko sayo ee magbihis ka!!!

    Ako: Eee… hindi naman ako nandito para makipagkilala sa kung kanino…

    Meg: Oo na. Pagkain lang habol mo dito.

    Oo nga pagkain lang… pero lintik pagpasok namin sa The Manor, isa sa mga bar sa Eastwood, ee Dios ko po halos hindi ako makahinga sa siksikan ng mga tao tapos ang sakit-sakit pa sa tenga sa sobrang lakas nung tugtog, ang dilim dilim pa... tapos lintik ang usok ng mga naninigarilyo. Ni wala ngang lamesa o upuan ee. Lahat nakatayo at lahat andun sa dance floor nagsasayawan. Wala silang paki alam sa mundo basta sayaw lang sila ng sayaw!!

    At ako??? Ito kumakalam na ang tiyan!!! Dumidilim na paningin ko!!! Asan ang chicken joy? Asan ang lechon? Asan ang pancit? Ice cream? Bangus? ASAN ANG PAGKAEN?????

    Walang ibang nakahain sa maliit na lamesang nakatayo sa tabi ko kundi mga bote ng beer, baso ng iced tea at isang katakut-takot na yelo. Alam ko mga kaibigan, muka akong adik pero wala sa bokabularyo ko ang uminom ng alak!!! Yun, yun ang pinagkaiba namin ni Borge. Lahat ng bisyo alam niyan!!! Katulad ngayon, halos nalanghap ko na ang lahat ng binuga ng sigarilyo niya. At kapit na kapit na sa damit ko ang amoy ng sigarilyo.

    Hindi na maipinta ang muka ko… naku JAPO wag na wag kang magpapakita saken… hayup ka!!! Kakatayin talaga kita at ikaw ang gagawin kong hapunan!!!

    Sara: Oi Ellie… tignan mo oh!! Ang gwaaaapoooo!!!! Nakatingin sayo!!!!!

    Ako:(nakaalumbaba na sa mesa) Oo. Sige. Gwapo. (pero hindi naman ako nakatingin at wala naman akong pakialam… kung pagkain siya matutuwa pa ko)

    Meg: Tara, sayaw tayo dali!!!

    Borge: Tol, okay ka lang? haha. Tara gusto mo munang lumabas???

    Ako:Hindi. Dito na lang muna kayo… ako na lang magisa lalabas… papahangin lang ako… Sunud na lang ako sainyo mamaya… sasayaw na lang din ako pagbalik ko…

    Borge: Talaga?

    Ako: Oo. Pramis! Sige na.

    Borge: Sige, sunud ka na lang tol.

    Waaaah… paglabas ko grabe… FRESH AIR!!!!!!!!!! Parang ayoko na ngang bumalik sa loob ee!!! Naisip ko hindi naman siguro masama kung magliwaliw muna ako… at least dito sa labas hindi ako OP.

    So ayun na nga, nilibot ko muna ang Eastwood. Napadpad ako sa hall of fame na kung saan ang mga pangalan ng mga batikang artista sa industriya ng Pilipinas ay nakaukit sa LAPAG na may hugis bitwin. Haha. Hinanap ko yung pangalan ng sweetheart kong si John Lloyd Cruz. Tapos mga sandal pa ee napadpad ako sa isang park sa Eastwood. Hindi ko alam kung ano man ang tawag nila sa lugar na toh… basta muka siyang park saken…

    Maganda ang ambiance nung park, mejo mahangin at meron pa ngang mini pond sa may maliit na bridge banda dun. Dali-dali akong pumunta dun para tignan kung may mga isda ba sa pond… di naman sumagi sa isip ko na wala napala gaanong tao sa gawing ito…dapat naisip ko na hindi pala dapat naglalakad ng mag-isa ang isang dalagang kagaya ko.

    Sumilip ako sa pond at naaaliw ako habang pinagmamasdan ang mga isda… ng biglang…

    Lalaki 1: Hey beautiful… how could you be alone in a place like this?

    Beautiful? Ako ba yun?

    Paglingon ko, napapalibutan na ako ng apat na binatilyo. Sila yung mga tipong mga anak mayaman pero halata sa mga itsura nila na wala silang gagawing kabutihan sa mundo. Mga porma pa nga nila ee yung mga nakikita ko minsan sa tv. Nakatingin lang ako sa kanila, sinusuri mga itsura nila. Sobra na bang desperado ang mga lalaking ito para patulan ang isang kagaya ko?

    Lalaki 2: You want to grab something to eat?

    Eat? Eat daw? Kamuntik na kong maniwalang mga anghel silang hulog ng langit. Pero ever since wala talaga akong tiwala sa mga taong nage-English. Kaya nga wala akong respeto sa mga propesor ko ee. Haha. Napaka bastos ko naman kung di ako sasagot diba? Nag-English sila, well, pakitaan ko nga tong mga toh...

    Ako:Well, I’m fine thank you. How ‘bout you?

    Lalaki 3: You’re cute & funny too.

    May sira nga talaga ulo nito… ako cute? Funny pwede pa. Pero cute??? Ah. Wala akong panahon sa mga kagaya nito. Paalis na dapat ako pero bigla akong hinawakan sa braso nung isa pang lalaki sa likod ko. Ah, wag nilang sabihing malalaki silang lalaki at babae ako. At kahit apat sila at isa lang ako papatulan ko talaga ang mga ‘toh.

    Ako: Let go!!!

    Naks!!! Biruin mong may nabaon akong English!!! Ha. Wag kayo apat na taon kong pinagaralan yan!!!

    Lalaki 3: We’re just going to have fun! You don’t have to be so rude!

    Ako: Rude? Rude your fes!! Ee kayo nga ‘tong rude!!! Naku, tigilan niyo ko aa? Wag niyong pinaiinit ang ulo ko ngayon lalo na’t nagugutom ako!!!

    Lalaki 4: Oooh. Yan ang gusto ko ee yung palaban!

    Lalaki 2: Yeah. Mas masaya.

    Ako: Masaya? Ee kayo lang tong nageenjoy aa?

    Ano bang mga nakain nitong mga ‘toh? Ee muka na ngang basahan tong damit ko ako pa napag-tripan nitong mga toh. Ee andami ngang babae na halos wala ng suot dun sa The Manor kanina ee… Humigpit na ang hawak saken nun lalaki at sa totoo lang mejo masakit na ang braso ko. Hindi ko alam kung anong sumapi saken at bigla kong inapakan yung paa nung lalaking may hawak saken. Napa-aray siya at nabitawan ako. Hindi ko na inaksaya ang oras at tumakbo na ko ng sobrang bilis papalayo sa mga adik na yun. Paglingon ko nasa likod ko pa din sila… hinahabol pala nila ko… wwwwaaaahhh… Diyos ko… ano ba tong pinasok ko???

    Hindi ko na alam basta takbo na lang ako ng takbo hanggat sa may napuntahan akong makitid na iskinita ng biglang may mga kamay na humablot saken sa likuran ko… isang kamay niya ee nakatakip sa bibig ko.

    WWWAAAAaaahhhh… Patay!!! Nahuli ako!!!!

    Wala na kong nagawa as my captor pressed me against the cold wall of the dark alley.

    Pagtingin ko sa muka niya nanlaki mga mata ko at muling tumindig ang mga balahibo ko… hinding hindi ko makakalimutan ang muka ng lalaking ito… siya… oo… siya yung MULTO sa BOYS’s CR!!!

    Dahan-dahan niyang tinanggal yung kamay niya sa bibig ko.

    Multo: Ssshhh…

    Lalaki 1: Asan na? Did you see her?

    Lalaki 2: Wala ee. San kaya dumaan yun? Hanapin niyo!!!

    Nawala na sa isip kong may mga maniac na humahabol saken… nawala ng lahat sa isip ko… at hindi ko na din halos narinig na malapit na samin yung apat… wala ng ibang nasa isip ko kundi ang sumigaw ng MULTO…

    Diyos ko… hanggang dito ba naman sinusundan ako ng kaluluwang ito? Ganun ba katindi ang gayuma ng potchi ko?

    Sisigaw na talaga ako at siguradong katapusan na naming dalawa ng multong ito pag nangyari yun but a pair of lips stopped me from completely doing so… There I was in the darkest alley in Eastwood, with four maniacs after my trail and right then and there… the ghost who has haunted me for days just stole my FIRST KISS away…para lang mapatahimik ako.


    To be continued...

    Yesss... whew... ang haba ng nagawa kong chap!! haha... well, sundan sa susunod na kabanata kung anong nangyari kay Ellie at sa multong prince charming niya!!!! wahahaha... =)
    3 people like this.

Share This Page